Sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, hinikayat ni Senador Lito Lapid ang kanyang mga kasamahang Senador na aprubahan na ang panukala nyang ideklara bilang national historical-cultural heritage zone ang Quiapo sa Manila city. Salig sa Senate Bill No. 1471, tinukoy ni Lapid na malaki ang naging bahagi ng Quiapo sa paghubog at paglinang ng ating kasaysayan, tradisyon, sining, kultura, turismo, relihiyon at ekonomiya. Ayon kay Lapid, chairman ng Senate Committee on Tourism, malaki ang ambag ng Quiapo sa turismo, religious beliefs, tradisyon at kultura na syang sentro noon ng kalakalan bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop, gaya ng mga Kastila, Hapones at Amerikano. “Dahil kinikilala natin ang kahalagahan ng Quiapo sa ating kultura at kasaysayan, at di matatawarang ambag sa pambansang kaunlaran, dapat lamang ipakita ng pamahalaan ang kanyang pagpapahalaga dito sa pamamagitan ng pagtakda sa Distrito ng Quiapo bilang isang Historical and Cultural Heri...
Comments
Post a Comment