Opisyal nang Naipamahagi ang 27 Water Dispenser sa Bawat Barangay ng Bayan ng San Remigio!

Opisyal nang Naipamahagi ang 27 Water Dispenser sa Bawat Barangay ng Bayan ng San Remigio!

San Remigio, Cebu – Sa patuloy na pagkilos para sa kapakanan ng komunidad, opisyal nang naipamahagi ang 27 high-quality water dispenser sa bawat barangay ng bayan ng San Remigio. Ang proyekto ay pinangunahan ng negosyante at tubong San Remigio na si Jaime C. Vistar, sa pakikipagtulungan kay Vice Mayor Martinez at iba pang kasamahan.

Lubos ang pasasalamat ni Vistar sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Barangay Kapitan, Barangay Opisyal, SK Opisyal, at mga kinatawan mula sa bawat barangay. “Ang inyong pagiging mabait at dedikasyon sa inyong mga komunidad ang siyang nagbigay-inspirasyon sa amin,” aniya.

Idinagdag niya na inaasahang magagamit ang mga water dispenser na ito hindi lamang sa pang-araw-araw na pangangailangan, kundi pati na rin sa mahahalagang okasyon tulad ng kaarawan, kasal, at maging sa mga mahihirap na pagkakataon tulad ng kalamidad.

“Nawa’y magsilbi ang mga water dispenser na ito bilang simbolo ng pagkakaisa at pag-asa para sa ating bayan. Ang pag-unlad at tunay na public service ang aking hangad para sa mga taga-San Remigio,” ani pa ni Vistar.

Ang naturang inisyatibo ay bahagi ng kanyang layunin na tumulong at magbigay inspirasyon sa bawat mamamayan ng San Remigio tungo sa mas maunlad at mas masiglang komunidad.

#ParaSaSanRemigio #TunayNaSerbisyoPubliko #JaimeCVistar



Comments

Popular posts from this blog

Maharlika Partylist

Maliit na Rice at Corn Millers Nanganganib Mawala Dahil sa Hamon ng Importasyon 🤬

LAPID: QUIAPO, IDEKLARANG NATIONAL HERITAGE-CULTURAL ZONE